^

PSN Palaro

Sweep sa Orlando

-

HARLOTTE, N.C. --Ang Orlando Magic ang kauna-unahang koponan na umabante sa NBA playoffs.

Umiskor si Vince Carter ng 21 points, habang nag-ambag naman ng 18 si Jameer Nelson para sa 99-90 panalo ng Magic sa Charlotte Bobcats at wa­lisin ang kanilang first-round series.

Bagamat nalimita si Dwight Howard sa 6 ma­rka sa kanyang pang apat na laro dahilan sa pagkakalagay sa foul trouble, hindi naman ito nakaapekto sa unang four-game sweep ng Orlando sa kanilang franchise history.

Makakasagupa ng Magic ang mananalo sa pagitan ng Atlanta Hawks at Milwaukee Bucks sa Eastern Conference semifinals.

“If you would have told me that he would have averaged well under 30 minutes for the series and we would sweep, I would have said you’re crazy,” ani Orlando coach Stan Van Gundy. “I think it’s a testament to our other guys.”

Humakot si Howard ng 13 rebounds bago nawala sa laro bunga ng kanyang ikaanim at huling foul sa kanyang pangalawang sunod na laro.

Nagdagdag si Rashard Lewis ng 17 points para sa Magic kasunod ang 14 ni Matt Barnes kasabay ng paglimita kay Stephen Jack­son sa 2-of-11 shooting para sa Bobcats.

“He and I got into it a little bit,” ani Van Gundy sa kanilang diskusyon ni Howard. “It wasn’t a bad argument. My point was he was in the restricted area and he’s got to jump. He’s so frustrated now that what he was trying to say is it wouldn’t matter. But, well, let’s jump and find out. What he did was give them the call.”

Tumipa naman si Ty­rus Thomas ng career play­off-high 21 points para sa Bobcats.

Sa Milwaukee, kumana si Carlos Delfino ng 22 puntos na tinampukan ng anim na triples at iginiya ang host team mula sa isa na namang sorpresang pananaig laban sa Atlanta Hawks,111-104 at itabla ang kanilang first-round series sa 2-2.

Naglista naman si Brandon Jeannings ng 23 puntos at nagdagdag naman si John Salmons ng 22 puntos para sa Bucks, na nakaligtas sa matinding atakeng ibinababa ng mga Atlanta stars na sina Joe Johnson at Josh Smith sa fourth quarter.

At sa pagbabalik ng serye para sa Game 5 sa balwarte ng Hawks, ina­asahang gagawa ito ng malakas na performance upang maiwasan ang tulu­yang pagkabaon sa kanilang serye.

ANG ORLANDO MAGIC

ATLANTA HAWKS

BRANDON JEANNINGS

CARLOS DELFINO

CHARLOTTE BOBCATS

DWIGHT HOWARD

EASTERN CONFERENCE

HE AND I

HOWARD

JAMEER NELSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with