^

PSN Palaro

POC pinagpapaliwanag ng ASAP sa eleksyon ng PASA

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Pinagpapaliwanag ng Aquatics Sports Association of the Philippines (ASAP) ang Philippine Olympic Com­mittee (POC) kung bakit pinahintulutan ang eleksyon na isinagawa ng Philippine Amateur Swim­ming Association na pinamumunuan ni Mark Jo­seph.

Si Joseph ay iniupo bi­lang pangulo uli ng PASA na ngayon ay makikilala na bilang Philippine Aquatics Sports Association sa isang eleksyon na ginanap nitong Sabado sa Mactan Shangrila Hotel sa Cebu.

Hindi malinaw kung ilan ang dumalong botante sa na­ganap na halalan pero ki­nikilala ito ng POC dahil ipi­nadala nila si Corina Mojica, kasapi ng POC exe­cutive board, bilang ki­na­tawan ng POC.

Banat ng ASAP, mali ang pagkatig ng POC sa elek­syong ito dahil hindi tu­matalima sa kasunduang nagluklok kay Joseph mula sa dating pangulo na si Chi­to Ilagan.

Taong 2005 nang hu­malili si Joseph pero kasama sa usapin ang agarang pagpapatawag ng eleksyon na lalahukan ng mga iba’t ibang regional presidents na kaanib ng PASA.

Hindi na nagpatawag ng eleksyon, inakusahan din nila na inisa-isa ang pag­tatanggal sa mga regio­nal directors hanggang sa si Joseph at iilang kaalya­do na lamang ang nagpapa­la­kad sa asosasyon.

Dahil dito, walang lehi­timong miyembro ang nakadalo sa ipinatawag na eleksyon ni Joseph.

Hindi rin tama ang gi­na­wang pagpapalit ng Cons­titution at By Laws ng PASA dahil walang bisa ito dahil hindi inaprubahan ng board.

“PASA remains inextricably governed by its old by-laws,” wika ni ASAP pre­sident Atty. Marilu Arzaga-Mendoza. “Any claim of amendment by Joseph would not only be legally infirm but a downright lie.”

Sa mga ipinunto, nais ng ASAP na kumilos at itama ito ng POC na pinamumunuan ni Jose Cojuangco Jr. na kilalang malapit na ka­alyado ni Joseph.

“If Mark Joseph’s claims are to be believed that no less than POC president Jose Cojuangco sent a representative to monitor the PASA elections, it’s clear that this is part of Cojuangco’s maneuverings to fill the different NSAs with persons loyal to him so as to secure his weakening hold on the POC presidency, what with his own NSA ousting him as president,” banat pa ni Men­doza.

Kasama ng ASAP na tu­mutuligsa kay Joseph si POC Special Assistant Go Teng Kok na naniniwala ring wa­la sa lugar ang isinaga­wang eleksyon. 

AQUATICS SPORTS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BY LAWS

CORINA MOJICA

IF MARK JOSEPH

JOSE COJUANGCO

JOSE COJUANGCO JR.

JOSEPH

MACTAN SHANGRILA HOTEL

POC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with