^

PSN Palaro

Greenies naisahan ang STI

-

MANILA, Philippines - Itinakas ng La Salle ang 67-66 pananaig laban sa STI College upang makasalo sa ikalawang po­sisyon sa Group A ng 3rd FREEGO Filipino-Chinese Basketball League (FCBL) Cup nitong weekend sa Phil. Buddhacare Gym sa Quezon City.

Isinalpak ni Jon Villa­ruz ang game-winning freethrows para sa Gree­nies may isang minuto na lamang ang nalalabi at si­nabayan naman ito ng pag­hulagpos ng bola sa mga kamay ni Reno Alcantara ng STI sa final possession at muli itong nabigo sa kan­yang tangka na naging daan upang malasap ang kanilang ikalawang su­nod na kabiguan sa annual high school cagefest na suportado rin ng Smart Communications.

Tumapos si Villaruz ng 12 puntos at 5 rebounds upang banderahan ang LSGH sa kanilang ikalawang panalo at makasama ang Ateneo sa No. 2 po­sisyon taglay ang magkatulad na 2-1 marka, isang larong agwat sa lider na Mapua (3-0).

Tinanghal rin si Villaruz na Freego Player of the Ga­me.

Naglista naman si Al­cantara ng 14 puntos kabilang ang tatlong triples upang isubi ang ENERGEN 3-Point Shooter of the Game.

Pinabagsak naman ng Jose Rizal University ang Xavier School, 84-81 upang manatiling walang talo sa tournament na suportado rin ng Mighty Sports, Colt Commercial, Star Galaxy Industrial Fabricator Inc., Powerbest Marketing Inc., Mandarin Sky Seafood & Shabu-Shabu Restaurant, Multimotors Auto Part Inc. at Apple Tape. 

APPLE TAPE

BUDDHACARE GYM

COLT COMMERCIAL

FILIPINO-CHINESE BASKETBALL LEAGUE

FREEGO PLAYER OF THE GA

GROUP A

JON VILLA

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LA SALLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with