MANILA, Philippines - May masasandalan na ang mga national athletes na magreretiro.
Nakatakdang ipormalisa ng Philippine Sports Commission at ng De La Salle University ang kanilang pagtutulungan upang maisakatuparan ang pagkakaroon ng PSC-La Salle Sports Academy a reality.
Nagpadala na si Angping ng request kay La Salle president Bro. Armin Luistro at maging kay Office of Sports Development head Bro. Bernie Oca ilang buwan na ang nakararaan para sa MOA signing.
Sinabi ni Angping na ang nasabing Academy ay mag-aalok ng edukasyon at diploma courses hindi lamang para sa mga atleta kundi pati na rin sa mga gustong maging coaches, trainers, umpires, referees at iba pang kursong nalilinya sa sports management at administration.
Ang academy ay ilalagay sa dalawang towers ng Rizal Memorial Track and Field Oval, gagawing isang state-of-the-art football stadium ng PSC at ng La Salle, na tinitirhan ng ilang national athletes.
Ang naturang mga atleta ay ililipat sa bagong ipinaayos na dormitoryo sa sports complex.
Ang academy ang siyang magiging sandalan ng mga atletang magreretiro mula sa aktibong pagkatawan sa bansa sa mga international competitions, ani ni Angping.
Ang La Salle ang siyang maghahanay ng curriculum at ilang guro para sa academy na ilulunsad sa ikalawang semestre ng taong ito.