^

PSN Palaro

UAE GM pinisak ni Nadera, kumakasa pa

-

SUBIC , Philippines --Idagdag na si IM Barlo Nadera sa grupo ng mga Filipino players na nasa kontensyon pa sa 9th Asian Individual Chess Championships.

Ginitla ni Nadera si GM Saleh Salem ng United Arab Emirates para makatabla sa seventh hanggang 19th places matapos ang fifth round sa Subic Exhibition and Convention Center.

May ranggong No. 55 mula sa kanyang ELO rating na 2405, tinalo ni Nadera ang 31st-seeded GM mula sa UAE para sa kanyang 3.5 points galing sa kanyang da­lawang panalo at tatlong draws sa nine-round tournament na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).

Sa natitira pang apat na rounds, isang puntos ang layo ni Nadera kay GM Wesley So at kalahati naman kay GM Gopal Narayana Geetha ng India at kina Chinese GMs Yu Yangyi, Ding Liren, Ni Jua at Li Chao.

“Matagal pa ang laban, pero gagawin ko ang aking makakaya para makapasok kahit sa Top 5 para makalaro din ako sa World Cup,” wika ni Nadera.

Susunod na makakaharap ni Nadera si GM Ehsan Gahemmagham ng Iran sa sxith round.

Tinalo naman ni GM John Paul Gomez si IM Kirl Kuderinov ng Kazakhstan upang makasama sina So at Nadera sa mga natitirang Filipino players sa tiorneo.

ASIAN INDIVIDUAL CHESS CHAMPIONSHIPS

BARLO NADERA

DING LIREN

EHSAN GAHEMMAGHAM

GOPAL NARAYANA GEETHA

JOHN PAUL GOMEZ

KIRL KUDERINOV

LI CHAO

NADERA

NATIONAL CHESS FEDERATION OF THE PHILIPPINES

NI JUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with