Denver delikado na sa Utah
SALT LAKE CITY--Nilimita ng Utah Jazz ang mga Denver Nuggets sa unang tatlong yugto na sapat na upang makalagpas sa arangkada ni Carmelo Anthony sa fourth quarter.
Binigo ng Jazz ang Nuggets, 117-106, upang kunin ang 3-1 lamang sa kanilang NBA Western Conference first-round playoffs series.
“It looked like we were going to run out of gas before we finished the game, but I thought we ended up having a good finish,” ani Utah coach Jerry Sloan sa paghugot ni Anthony ng 12 sa kanyang 39 points sa fourth quarter para sa Denver.
Ibinaon ng Jazz ang Nuggets ng 19 puntos sa fourth quarter bago ang ratsada ni Anthony na nagdikit sa kanila sa Jazz sa pitong puntos.
Kumabig si Carlos Boozer ng 31 points at 13 rebounds para sa Utah kasunod ang 24 points at 13 assists ni Deron Williams.
Maaari nang tapusin ng Utah ang kanilang serye ng Denver sa pamamagitan ng panalo sa Game 5 sa Miyerkules.
“We’re putting ourselves in a good position to win the series,” wiika ni Williams.
Tumipa si C.J. Miles ng 21 para sa Jazz, lumamang ng 20 hanggang malapitan ng Denver mula kay Anthony, kasunod ang 18 naman ni Wesley Matthews.
Sa Chicago , ipinoste ni LeBron James ang kanyang pang limang career postseason triple-double mula sa kanyang 37 points, 12 rebounds at 11 assists upang igiya ang Cleveland Cavaliers sa 121-98 panalo kontra Chicago Bulls at kunin ang 3-1 lead sa kanilang first-round series.
Kinuha ng Cavaliers ang isang 10-point lead sa halftime matapos umiskor ng 38 sa second quarter patungo sa pagtatayo ng isang 37-point advantage sa third period.
Tumipa si James ng 6-of-9 sa 3-point range, kasama na rito ang isang jumper na halos sa loob na ng midcourt sa pagsasara ng third quarter para sa 99-76 lamang ng Cavaliers sa Bulls.
Nag-ambag si Antawn Jamison ng 12 sa kanyang 24 marka sa third quarter para sa Cavaliers bukod pa ang 19 ni Mo Williams.
Nakahugot naman ang Chicago ng tig-21 puntos kina Derrick Rose at Joakim Noah, humakot rin ng 20 rebounds.
- Latest
- Trending