^

PSN Palaro

Puno guest of honor sa Philippine Sports Hall of Fame

-

MANILA, Philippines - Si Chief Justice Rey­nato Puno ang magiging pa­nauhing pandangal para sa pagluluklok sa 10 Filipino sporting greats sa Philippine Sports Hall of Fame sa Mayo 5 sa Maynilad Hall ng Manila Hotel.

Si Puno, nakatakdang magretiro sa Mayo 17, ang pinili ng Hall of Fame or­ganizing committee na pinamumunuan nina Arturo Macapagal ng Philippine Olympians Association at Philippine Sports Commis­sion chairman Harry Angping.

“He is a good speaker and apolitical,” sabi ni Angping kay Puno, ang pang 23 na umupo bilang Chief Justice.

Ang unang grupo ng inductees sa Hall of Fame ay sina boxing greats Gabriel “Flash” Elorde, Francisco “Pancho Villa” Guilledo, Ce­ferino Garcia at Jose “Cely Villanueva at kanyang anak na si Anthony Villanueva.

Isinama rin ng scree­ning committee na binubuo ng mga veteran sportswri­ters sina Olympians Miguel White, Simeon Toribio, Teo­filo Yldefonso at Carlos Loy­zaga at ang Philippine Team na nag-uwi ng bronze medal sa 1954 World Basketball Championships sa Rio de Janeiro, Brazil.

Ilan sa mga awardees na kagaya nina Loyzaga at Villanueva at miyembro ng basketball team ay inaasahang dadalo sa induction ceremony.

Hinawakan nina Elorde (junior lightweight), Guilledo (flyweight) at Garcia (middleweight) ang mga world boxing titles sa kasagsagan ng kanilang professional boxing careers.

Si Jose “Cely” Villanueva ang umangkin sa kauna-unahang Olympic medal ng bansa sa boxing na bronze medal sa 1932 Los Angeles Games.

Ang kanyang anak na si Anthony ang sumuntok sa kauna-unahang Olym­pic silver medal ng bans­a sa featherweight division noong 1964 Tokyo Games.

Ito ay dinuplika ni Mansueto “Onyok” Velasco, Jr. noong 1996 sa Atlanta, USA.

vuukle comment

ANTHONY VILLANUEVA

ARTURO MACAPAGAL

CARLOS LOY

CELY VILLANUEVA

CHIEF JUSTICE

ELORDE

GARCIA

GUILLEDO

HALL OF FAME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with