SEABA women's c'ships ipinagpaliban

MANILA, Philippines - Bunga ng idaraos na FIBA-Asia Congress, ipinagpaliban sa Oktubre ang Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Wo­men’s Championship na unang itinakda sa Hunyo 9 sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Sa­mahang Basketbol ng Pili­pinas (SBP) executive director Noli Eala.

“Yes the women’s cham­pionship was re-sche­duled due to conflict with the forthcoming FIBA-Asia Congress,” wika ni Eala. “We are still deciding on an appropriate date, perhaps in October.” 

Ang pagkakaantala ng SEABA ang siyang nag­paguho sa tsansa ng mga Filipina dribblers na makalahok sa darating na 16th Asian Games sa Guangzhou, China sa Nob­yembre 12-27.

Kung magrereyna ang RP Team sa SEABA ay sila na ang kakatawan sa Southeast Asia sa 2010 Guang­zhou Asiad.

Sa kabila nito, itutuloy pa rin ng SBP ang interna­tional exposure ng mga Fil­ipino cagers sa Australia, China at Japan kasama ang isang pocket tournament sa Maynila.

Plano rin ng SBP na humugot ng mga Filipino-American players kagaya ni Vicky Brick na naging mi­­yembro ng tropa noong 2005 Philippine SEAG kung saan nagbulsa ng bronze medal ang wo­men’s squad.

Show comments