^

PSN Palaro

Swimming palalawigin pa ni Joseph kaysa...

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Sa halip na makipag-away ay nais na lamang ni Mark Joseph na ituon ang isipan sa pagpapalawig ng larong swimming sa ban­sa.

Nakuha uli ni Joseph ang karapatan na pangu­nahan ang swimming sa bansa nang iupo uli bi­lang pangulo ng Philippine Aquatics Sports Association na dating kilala bilang Philippine Amateur Swimming Association.

Ang eleksyon ay idinaos nitong Sabado ng ga­bi sa Mactan Shangrila Hotel sa Cebu at kasamang iniupo ni Joseph ay sina Luisito Mangahis bi­lang vice president, Ral Rosario bilang sec-gen, Christina Inigo bilang exe­cutive director at Akiko Thomson-Guevarra bilang treasurer.

Si Thomson-Guevarra na commissioner din ng PSC ay maninilbihan lamang matapos bumaba sa kanyang puwesto sa komisyon.

Pinasalamatan ni Joseph ang mga naniwala sa kanyang kakayahan at ipinangakong magtatraba­ho para maitaas pa ang an­tas ng sport sa bansa.

Kung makakaya niyang gawin ito ng walang problema ay isang malaki pang katanungan lalo nga’t inaatake siya ng katunggaling grupo na Amateur Swimming As­sociation of the Philippines (ASAP) bukod pa ni Special Assistant to POC president Go Teng Kok.

Iisa ang kanilang tin­u­ran laban kay Joseph, na hindi tumalima sa batas ng NSA at ng POC ang isi­nagawang eleksyon.

Kinukuwestiyon din ng ASAP na pinamumunuan ni Atty. Ma. Luz Arzaga Men­doza ang pagpapalit ng pangalan ng PASA na isang aksyon upang ma­ka­iwas sa kasong paglulustay ng pera si Joseph.

AKIKO THOMSON-GUEVARRA

AMATEUR SWIMMING AS

CHRISTINA INIGO

GO TENG KOK

LUISITO MANGAHIS

LUZ ARZAGA MEN

MACTAN SHANGRILA HOTEL

MARK JOSEPH

PHILIPPINE AMATEUR SWIMMING ASSOCIATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with