^

PSN Palaro

Kapalit ni Storey darating ngayon

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Tila ito na ang katapusan ng istorya ni Awvee Storey bilang import ng Gin Kings.

Nakatakdang duma­ting ngayong araw ang inaasahang papalit kay Storey na si Mildon Ambres para palakasin ang kampanya ng Barangay Ginebra sa 2009-2010 PBA Fiesta Conference.

Kasalukuyang may 3-2 rekord ang Gin Kings sa likod ng mga avera­ges na 24.0 points, 17.6 rebounds at 2.0 assists ni Storey.

Si Ambres ay nagmula naman sa D-League kung saan siya nagbida para sa Idaho Stampede mula sa kanyang mga ave­rages na 14.5 points, 8.1 rebounds at 1.7 assists sa 50 laro.

Dumating naman no­ong Linggo si Clif Brown na sasalo sa maiiwang tra­baho ni Lorenzo Wade para sa Derby Ace.

Si Brown ay naging kakampi ni Rain or Shine import Jai Lewis sa Toyota Alvark sa Japan Basketball League (JBL).

Samantala, nakatanggap naman ng pagbati ang PBA mula kay NBA Com­missioner David Stern ukol sa 2010 PBA All-Star Weekend.

“On behalf of the NBA, I want to congratulate you on the 35th anniversary of the Philippine Basketball Association and send you my best wishes for a successful All-Star Weekend in Puerto Princesa City,” ani Stern sa kanyang liham.  

Samantala, tinalo na­man ng mga active players na sina Mark Ma­­capagal, Jeff Chan at Yousif Aljamal ang grupo ng retired cagers na sina Alvin Patrimonio, Kenneth Duremdes at Roehl Gomez sa Three-Point Legends Shootout kahapon sa Puerto Princesa Coliseum sa Palawan.

Nagtala sina Macapagal, Chan at Aljamal ng pinagsamang 51 puntos upang biguin sina Patrimonio, Duremdes at Gomez na may 29 marka.

Umiskor sa three-point line si Macapagal, ang 2010 Three-Point Shootout king, ng 17 puntos ka­sunod ang 15 ni Aljamal at sa ilalim ng 19 ni Chan.

ALJAMAL

ALL-STAR WEEKEND

ALVIN PATRIMONIO

AWVEE STOREY

BARANGAY GINEBRA

CLIF BROWN

DAVID STERN

DERBY ACE

GIN KINGS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with