Arellano nadiskaril sa Greenies

MANILA, Philippines – Bagamat bumulusok ang inilatag na 22-puntos na bentahe ng La Salle-Greenhills sa third quarter, nagpakitang gilas naman si   Joseph Trajano sa kanyang depensa sa endgame upang iihatid ang Greenies sa 74-72 panalo laban sa Arellano University sa juniors division ng FilOil Flying V Pre-Season Invitational Cup sa Arena sa San Juan kahapon.

Umiskor si Trajano ng drive sa huling segundo ng labanan upang imando ang Greenies sa pagsupil sa tangkang pagbangon ng kanilang kalaban taglay ang mahigpit na depensa at selyuhan ang kanilang ikalawang panalo sa torneong ito na tinaguriang Badolato Cup.

Nauna rito, walang kahirap-hirap na nailista ng Emilio Aguinaldo College-Immaculate Concepcion Academy ang kanilang panalo sa bisa ng walkover matapos na hindi sumipot ang University of Perpetual Help.  

Show comments