AUF naisahan ng Hope sa Girls V-League

MANILA, Philippines - Dumaan sa butas ng kara­yom ang Hope Christian School bago naigupo ang Angeles Uni­versity Foundation, 25-23, 25-17, sa Shakey’s Girls Volleyball League sa Arellano gym nitong Huwebes.

Ang mga kumampanya sa Palarong Pambansa na sina Den­den Tan at Carol Cervesa ay nagsanib sa 21 puntos at tat­long blocks sa mahalagang yugto ng labanan para ibigay sa nagdedepensang kampeon ang unang panalo sa Group A.

Dahil sa matikas na paglalaro ay hindi napanatili ng AUF ang naunang paglayo sa dala­wang set na labanan para lasa­pin ang unang kabiguan sa la­rong suportado ng Toby’s Sports, Dunkin Donuts, Mikasa at Asics.

Nagsipanalo rin ang San An­tonio de Padua at St. Scholas­tica’s College sa ibang resulta ng laban.

Si Rialen Sante at Kathleen Magsumbol ay nagtala ng tig-19 puntos para ihatid ang San Anto­nio de Padua laban sa dating wal­ang talong Imus Institute, 25-15, 25-12.

Ang St. Scholastica’s College naman ay dinomina ang Va­lenzuela Nat’l HS, 25-10, 25-6. 

Show comments