AUF naisahan ng Hope sa Girls V-League
MANILA, Philippines - Dumaan sa butas ng karayom ang Hope Christian School bago naigupo ang Angeles University Foundation, 25-23, 25-17, sa Shakey’s Girls Volleyball League sa Arellano gym nitong Huwebes.
Ang mga kumampanya sa Palarong Pambansa na sina Denden Tan at Carol Cervesa ay nagsanib sa 21 puntos at tatlong blocks sa mahalagang yugto ng labanan para ibigay sa nagdedepensang kampeon ang unang panalo sa Group A.
Dahil sa matikas na paglalaro ay hindi napanatili ng AUF ang naunang paglayo sa dalawang set na labanan para lasapin ang unang kabiguan sa larong suportado ng Toby’s Sports, Dunkin Donuts, Mikasa at Asics.
Nagsipanalo rin ang San Antonio de Padua at St. Scholastica’s College sa ibang resulta ng laban.
Si Rialen Sante at Kathleen Magsumbol ay nagtala ng tig-19 puntos para ihatid ang San Antonio de Padua laban sa dating walang talong Imus Institute, 25-15, 25-12.
Ang St. Scholastica’s College naman ay dinomina ang Valenzuela Nat’l HS, 25-10, 25-6.
- Latest
- Trending