^

PSN Palaro

UST umiskor ng panalo sa Ateneo

-

MANILA, Philippines - Ipinatikim ng University of Santo Tomas sa Ateneo ang ka­nilang unang kabiguan sa pamamagitan ng 85-71 panalo at pigilan ang kanilang dalawang dikit na pagdausdos sa 3rd FREEGO Filipino-Chinese Basketball League (FCBL) Cup sa Phil. Buddha­care Gym sa Quezon City.

Sinamantala ng Tigers ang pagkawala nina RP Youth members Von Pessumal at Pao­lo Romero para sa Blue Eaglets at sumandig sa malakas na performance ni Kevin Ferrer upang ilista ang kanilang unang panalo sa annual high school ca­gefest na suportado rin ng Smart Communications.

Dahil sa pagkakaupo nina Pessumal at Romero sanhi ng injuries, madaling kinapitalisa ng UST ang Eaglets at maagang dinomina ang laban nang kunin ang 46-33 bentahe sa halftime na hindi na nila binitiwan pa.

Tumapos si Ferrer ng 29 pun­tos, 11 rebounds at 4 assists para sa Tigers Cubs na nagbigay sa kanya ng Freego Player of The Game honor.

Tanging si Kiefer Ravena ang manlalaro ng Ateneo na gumawa ng double figures sa pinitas na 22 puntos.

 Bumagsak ang Blue Eaglets sa 2-1 win-loss slate at nasolo ang ikalawang posisyon sa Group A ng tournament na suportado rin ng Mighty Sports, ENERGEN, Colt Commercial, Star Galaxy Industrial Fabricator Inc., Powerbest Marketing Inc., Mandarin Sky Seafood & Shabu-Shabu Restaurant, Multimotors Auto Part Inc. at Apple Tape.

Sa iba pang laro, tinalo ng San Beda ang Adamson, 90-46, nalusutan ng Mapua at STI, 75-71 habang ginapi ng FEU hang La Salle Zobel, 88-85.

APPLE TAPE

ATENEO

BLUE EAGLETS

COLT COMMERCIAL

FILIPINO-CHINESE BASKETBALL LEAGUE

FREEGO PLAYER OF THE GAME

GROUP A

KEVIN FERRER

KIEFER RAVENA

LA SALLE ZOBEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with