^

PSN Palaro

Martinez coach ng women's pugs

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Mula sa pagiging isang national boxer, si Mitchel Martinez ngayon ang kauna-unahang head coach ng national wo­men’s boxing team.

Mula nang magretiro matapos sumuntok ng huli niyang gintong medalya sa nakaraang 25th Southeast Asian Games sa Laos noong Disyembre, si­neryoso na ng 34-anyos na si Martinez ang pagiging mentor ng mga national pugs.

“Iba na ang responsabilidad mo ngayon. Siyempre, nu’ng boxer ka, iisipin mo ‘yung training. Pero kapag coach ka na malawak na ‘yung respon­sabilidad mo eh,” sabi ng dating lightweight na si Martinez.

Si Martinez, gold medal winner sa 2005 Philippine SEA Games, ang siya ngayong gu­ma­gabay kina bantamweight Annie Albania, flyweight Josie Gabuco at light flyweight Alice Kate Aparri.

“Iyong personal problem ng atleta mo iintindihin mo. Min­san kailangan mo rin silang kausapin kung bakit ganito ‘yung mood niya, kung may prob­lema ba siyang hindi niya masabi sa mga lalaking coach,” dagdag ni Martinez, ang unang Asian woman boxer na nanalo ng gintong medalya sa Asian Championships.

Sa nakaraang Asian Indoor Games sa Hanoi, Vietnam, su­muntok si Albania ng gold me­dal, habang silver ang naiuwi ni Martinez at bronze naman na­sikwat ni Gabuco.

Para sa mga darating na mga international competitions kagaya ng 2011 SEA Games sa Indonesia, kumpiyansa si Martinez sa ipapakita ng kanyang mga alagad.

ALICE KATE APARRI

ANNIE ALBANIA

ASIAN CHAMPIONSHIPS

ASIAN INDOOR GAMES

JOSIE GABUCO

MARTINEZ

MITCHEL MARTINEZ

MULA

SHY

SI MARTINEZ

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with