Asi babandera sa South team vs North sa PBA All Star-Game
MANILA, Philippines - Nakuha na ni Asi Taulava ng Coca-Cola ang karangalan sa paglalaro sa kanyang pang 12th PBA All-Star game.
Nakatakdang pangunahan ng 6-foot-9 Fil-Tongan ang South team laban sa North squad para sa 2010 PBA All-Star Game sa Linggo sa Puerto Princesa Coliseum sa Palawan.
Nakatakda naman ngayong hapon ang Rookies vs Sophomores Blitz Game, obstacle challenge, 3-Point Shootout at Slam Dunk Contest.
Makakasama ni Taula va, tinanghal na All-Star MVP noong 2004 at 2006, sa South team sina Jimmy Alapag, Kelly Williams, Erik Menk, Cyrus Baguio, James Yap, Roger Yap, Joe Devance, Reynel Hugnatan, Sonny Thoss, Ronald Tubid at Dondon Hontiveros, nasa kanyang pang 11th All-Star game.
Si Alaska Aces coach Tim Cone, nasa kanyang ika-walong All-Star game, ang gigiya sa South, habang si Ryan Gregorio ng Derby Ace ang titimon sa North.
- Latest
- Trending