Pinoy jins sasabak sa Smart tourney
MANILA, Philippines - Ipamamalas ng mga matitikas na taekwondo jins ang kani-kanilang mahuhusay na performance sa pagsabak sa 2010 Smart national pool championships sa Abril 25 sa Rizal Memorial Coliseum.
“Only the best jins from the NCR and all 16 regions who are members of the Taekwondo Blackbelt Brotherhood-Sorority (TBB/TBS) and the Philippine Taekwondo Contingents (PTC) are eligible to compete,” wika ni Philippine Taekwondo Association president Robert N. Aventajado.
Ang naturang prestihiyosong event ay inaasahang makakadiskubre ng national athletes sa hinaharap at ng mga mahuhusay na leaders sa kumunidad ng taekwondo, dagdag pa ni Aventajado.
Ayon naman sa organizing committee chair na si Sung Chon Hong na ang nasabing event ay magandang oportunidad para sa mga blackbelts mula sa NCR at iba pang regions upang mahasa ang kani-kanilang talento at matuto rin ng mga bagong taktika.
Aabot sa mahigit 500 mahuhusay na jins sa bansa ang sasabak sa aksyon sa individual at Master events para sa senior men at women, junior men at women at grade school boys at girls.
- Latest
- Trending