^

PSN Palaro

OVERALL TEAM TITLE INANGKIN NG SMART: Calderon 'di nasayang ang paglahok sa Le Tour de Filipinas

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Bigo man si Joel Calderon sa hangaring makuha uli ang kampeonato sa individual stage ay hindi pa rin nasayang ang kan­yang paglahok nang manalo naman ang Smart sa team classification sa idinaos na Le Tour de Filipinas na nagtapos nitong Martes sa Subic Bay.

Sakay sa husay ni Tomas Mar­tinez, humarurot ang Smart sa ikaapat at huling yugto upang maagaw ang panalo sa kamay ng American Vinyl na nanguna sa unang tatlong araw ng ka­rera.

Kasama ni Calderon at Mar­tinez sina Emelito Atilano, Joseph Millanes, Jason Garillo, Oscar Rindole at Nicardo Guanzon at ang pagdodomina nila sa ikaapat na yugto ay sapat na para makalundag mula sa kalagitnaan sa team standings matapos ang tatlong stages tu­ngo sa kampeonato.

Nagkaroon ng kabuuang oras na 34 oras, 58 minuto at 13 segundo ang American Vinyl na kinapos ng apat na minuto at 23 segundo habang ang 7-Eleven ang pumangatlo na napag-iwa-nan ng halos 10 minuto.

Si Calderon ang kampeon ng 2009 Padyak Pinoy individual stage habang ang American Vinyl ang hari ng team event.

Ang tagumpay ay ikinatuwa ni telecommunication mogul Manuel V. Pangilinan dahil ang tagumpay na ito ay kumaka-ta­wan sa tunay na layunin ng Smart.

“We are so proud to emerge as the overall team champion of the Le Tour de Filipinas. The team’s focus, hard work and striv­e to be no. 1 is the essense of Smart,” wika ni Pangilinan.

Umabot sa 16, kasama ang anim na dayuhan ang lumahok sa unang edisyon ng karerang binasbasan ng international federation UCI at ang naipakita ng Smart team ay patunay na kaya rin ng mga Filipino cyclist na makipagsabayan sa mga bigating dayuhan.

“The Philippine teams, six tough foreign teams, one champion! Indeed, the Filipino can excel in cycling if only we give our Filipino cyclists a fighting chance,” dagdag pa ni Pangi­l­i­­­nan.

Lumabas namang hari ng lansangan sa individual si Irishman David McCann na naghari sa una at ikaapat na yugto upang katampukan ang pagdodomina sa karera.

May kabuuang 11:29:20 ti­yempo ang 37-anyos na si Mc­Cann upang mapangunahan ang karera laban sa mga Pinoy na sina Lloyd Lucien Reynante ng 7-Eleven at Baler Ravina ng Team Pilipinas-Batang Tagaytay na kinapos ng 6:45 at 6:47 tiyempo.

AMERICAN VINYL

BALER RAVINA

EMELITO ATILANO

FILIPINAS

IRISHMAN DAVID

JASON GARILLO

JOEL CALDERON

JOSEPH MILLANES

LE TOUR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with