^

PSN Palaro

Mainit na salubong ikinasa ni Hagedorn sa PBA All-Stars

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines -  Inaasahang lalapag ngayong hapon ang delegasyon ng Philippine Basketball Association sa Puerto Princesa, Palawan para sa 2010 All-Star Weekend na nakatakda sa Abril 23-25.

“For a long time now, the people of Puerto Princesa have been longing to host the PBA All-Star game. Kaya naman ako ay nagagalak na nabigyan kami ng pagkakataon na maging punong abala ng 2010 PBA All-Stars,” ani Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn.

Itatampok sa All-Star ang banggaan ng North at South teams sa 10,000-seater na Puerto Princesa Coliseum.

Pangungunahan nina Derby Ace stalwart at top fan choice James Yap at Kelly Williams ang South team na naghahangad na muling matalo ang North squad na nagbabandera naman kina JayJay Helterbrand at Mark Pingris.

Tinalo ng South ang North, 163-158, via overtime noong 2008 sa Bacolod City.

Ang laro ng North at South All-Star Game sa Linggo sa Puerto Princesa Coliseum.

Ang iba pang tampok sa nasabing three-day mid-summer spectacle ay ang Rookies vs Sophomore Blitz Game, 3-point shootout, slam dunk contest at obstacle challenge.

ALL-STAR WEEKEND

BACOLOD CITY

DERBY ACE

JAMES YAP

KELLY WILLIAMS

MARK PINGRIS

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

PUERTO PRINCESA

PUERTO PRINCESA COLISEUM

PUERTO PRINCESA MAYOR EDWARD HAGEDORN

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with