^

PSN Palaro

Irish Rider Kampeon

- Ni ATan -

SUBIC , Philippines --Sa karerang na­pahirapan ang mga sik­lista, lumutang uli ang hu­say ni David McCann ng Great Asia Riding Team upang mapagharian niya ang ikaapat at huling yugto at selyuhan ang pagdo­domina sa 2010 Le Tour de Filipinas na nagtapos kahapon dito.

Kinatampukan ang ru­tang nasukat sa 119-ki­lo­metrong distansya na ki­napalooban ng dalawang mahirap na akyatin at pinatindi ng mainit na pa­nahon, lumutang ang ga­ling ni McCann ng mapagharian niya ito para kumpletuhin ang magandang ipinakita sa karerang inorganisa ng Dynamic Outsource Solution Inc. (DOS-I) at handog ng Tan­duay sa tulong ng Smart at Air21.

Katuwang si German Sascha Damrow ng Germany at kabilang ng Team Colossi, humabol sila sa pitong kataong lead pack sa pagbaba sa unang ahunan sa boun­dary ng Bagac at Morong sa Bataan at mula rito ay inunti-unti ang paglayo.

Pagpasok sa huling li­­mang kilometro ng ka­rera, hinigitan ni McCann ang pagpedal laban sa mahusay sa patag na si Dam­row upang masolo ang pagtawid sa meta tu­­ngo sa ikalawang lap win sa apat na yugtong ka­­rera.

Ang Irish rider na may pinakamagandang kredensyal sa lahat ng mga dayuhang lumahok at si Damrow na naorasan ng identical clockings na 3 oras, 24 minuto at 21 segundo ay nakatulong sa ­37-anyos, 6’4, tubong Belfast, Ireland rider na makalikom ng kabuuang 11:29:20 sa pagtahak sa 488-kilometrong karera.

Kinumpleto ni Mc­Cann ang pagdodomina sa karera dahil siya rin ang lumabas na Sprint King sa nalikom na 35 puntos at King of the Mountain sa 14 puntos.

Lumabas na pinakamahusay na Filipino rider sa karerang ito ay si Santy Barnachea ng Extra Joss na tumapos sa pang-anim na puwesto sa 3:26:53 ti­yempo.

Pero sa overall individual race, si Lloyd Lucien Reynante ng 7-Eleven na tumapos sa pang-14 na 3:53 kapos kay McCann, ang pumangalawa sa 11:36:05 tiyempo o 6:45 napag-iwanan.

Ngunit si Reynante ang lumabas na pinakama­husay na Filipino rider nang talunin nito si Baler Ravina ng American Vinyl nang kapusin ito ng da­lawang segundo sa naitalang 11:36:07.

Ibinandera naman ni Irish Valenzuela ang laban kontra sa mga dayuhan dahil ang siklistang kasali sa American Vinyl ang lu­ma­bas bilang Young Ri­der sa kinuhang 11:37:53 oras o 9 segundong mas mabilis sa South African at Team DCM na si Jaques Janse Van Rensburg.

Nakapagpasikat din ang Smart team sa pamumuno ni Tomas Martinez na tumapos sa pangpito kahapon upang tulu­ngan ang koponan na ma­pa­ngunahan ang team competition sa 10:23:36.

Hindi naman nakapor­ma ang American Vinyl at ito ang nagtulak sa Smart para mapagharian ang Team Classification na may 34:58:13 o 4:23 angat sa dating nangunguna pero kinapos na American Vinyl (35:02:36).

AMERICAN VINYL

ANG IRISH

BALER RAVINA

DYNAMIC OUTSOURCE SOLUTION INC

EXTRA JOSS

GERMAN SASCHA DAMROW

GREAT ASIA RIDING TEAM

IRISH VALENZUELA

JAQUES JANSE VAN RENSBURG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with