MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni dating Manila Mayor Lito Atienza na ang bahagi ng mga pangunahing siyudad mula sa national budget sa pamamagitan ng internal revenue allotments ay dapat makatulong sa pagkuha sa pinapangarap ng bansang kauna-unahang Olympic gold medal.
Sinabi pa ni Atienza, naglunsad sa Manila Youth Games sa kanyang nine-year term bilang Alkalde ng Maynila mula 1998 hanggang 2007, na magiging mahirap ang kampanya ng mga Filipino athletes sa 2012 London Olympics.
Ngunit kumpiyansa naman siyang magkakaroon ng tsansa ang mga Pinoy para sa Olympic gold medal sa 2016 Olympics Games sa Rio de Janeiro.
“But local government units, especially the big ones, should be of help if we are serious in achieving our Olympic dream,” ani Atienza, muling naghahangad na makuha ang Mayoralty post. “LGUs can step up their hunt for young athletes who possess potential of becoming the country’s next top athlete. And many are just waiting for that opportunity.”
Idinagdag ni Atienza na naging matagumpay ang paghahanap nila ng mga bagong atleta sa pamamagitan ng MYG na inilunsad noong 2002 sa pamamagitan ng Manila Sports Council (Masco) ng anak na si Ali Atienza.
Ilang produkto ng MYG ay kumatawan na sa bansa sa Southeast Asian Games.
Ang sports activities, dagdag pa ng dating Secretary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang pumupuksa sa drug menace sa bansa.