^

PSN Palaro

Alcano handa na sa Asiad pero...

-

MANILA, Philippines - Matapos ang masinsinang usapan, balak uling isuot ang Pam­bansang uniporme ni Ro­nato Alcano para sa nalalapit na 2010 Asian Games sa Guangzhou, China.

Ayon kay Perry Mariano ng Bugsy Promotions at may ha­wak kay Alcano, nagkausap sila ng dating double World 8-ball at 9-ball champion upang pansamantalang isantabi ang hangaring lisanin ang bansa para magturo sa Middle East.

“Kinausap ko na huwag mu­na umalis at antayin na lamang ang pagpasok ng bagong administrasyon baka magkaroon ng pamamalakad sa sports. Kung wala ay di go na sila, na­kinig naman siya,” wika ni Mariano.

Si Alcano na nanalo sa 8-ball sa 2009 Laos SEA Games ay isa sa mga sinasabing puwedeng maghatid ng ginto sa Asiad dahil sa naipakitang husay mula sa SEA, Asian at World level com­petition.

“Ready at confident ako. Sa­na ay mabigyan pa ako ng pagkakataon na makalaro para sa bansa,” pahayag nga ng tu­bong Calamba, Laguna na bilyarista.

Si Alcano ay isa sa mga bi­gating cue-artist na sasalang sa isinasagawang tryouts ng BSCP sa pamumuno ni Arturo “Bong” Ilagan.

Bukod kay Alcano sina Dennis Orcullo at Roberto Gomez ay kalahok din sa tryouts na hi­nahawakan nina Efren “Bata” Reyes at Boyet Asonto at magpapatuloy ngayon sa Rizal Me­morial Billiards Center.

Ang manlalarong nasa tamang kondisyon matapos ang serye ng tryouts ang mapapabi­lang sa ilalaban sa 8-ball at 9-ball men’s events.

ALCANO

ASIAN GAMES

BILLIARDS CENTER

BOYET ASONTO

BUGSY PROMOTIONS

DENNIS ORCULLO

MIDDLE EAST

PERRY MARIANO

SHY

SI ALCANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with