Xavier sumadsad sa Baby Tams

MANILA, Philippines - Gamit ang malakas na third quarter, inilista ng Far Eastern Universi­ty ang kanilang unang pa­nalo makaraang pataubin ang Xavier School, 84-69 sa 3rd FREEGO Filipino-Chinese Basketball League (FCBL) Cup sa Phil. Buddhacare Gym sa Quezon City.

Abante ng limang puntos sa halftime, pinainit ni Aaron Fabian ang opensa ng Baby Tamaraws sa bungad ng second half tungo sa kanilang ma­ga­ang na panalo sa annual high school cagefest na ito na may ayuda rin mula sa Smart Communications.

Tumapos si Fabian ng team-high 21 puntos at nahirang siya bilang Freego Best Player of the Game. Nag-ambag rin sina Jetrix Rono ng 18 puntos, Mico Custodio ng 14 puntos at may 10 si Mark Tanoy.

Sa iba pang laro, kapwa kinuha ng Mapua at Ateneo ang kanilang ikala­wang sunod na panalo laban sa magkahiwalay na kalaban.

Tinalo ng Red Robbins ang Santo Tomas, 78-76 at naungusan ng Blue Eag­lets ang Chiang Kai Shek College.

Show comments