^

PSN Palaro

Big City tankers humakot ng 29 gold; Unso bumira uli ng record

- Ni Russell Cadayona -

SAN JOSE, Tarlac, Philippines - Kagaya ng inaasahan, ang swim­ming pool ang siyang pinagkunan ng four-time champions National Capital Region ng halos karamihan ng kanilang mga gintong medalya sa papatapos na 53rd Palarong Pambansa dito sa Tarlac Recreational Park kahapon.

Kabuuang 29 gold medals ang nilangoy ng mga Big City tankers, kasama rito ang bagong marka sa secondary boys’ 400m relay na 3:43.83, habang humakot naman ang karibal nitong CALABARZON ng 15 sa pagwawakas ng swimming event.   

Mula sa swimming pool, dinala naman ni Patrick Unso ang kampanya ng NCR sa track and field nang pamunuan ang 4x100-meter relay team sa bagong rekord na 43.24 segundo at burahin ang 1995 mark na 43.60 ng STRAA.

Ito ang pang apat na gintong medalya ng 17-anyos na anak ni dating national hurdler Renato Unso, kasama na ang paglilista ng tatlong bagong Palaro record.

Nagtayo rin ng bagong rekord sina Francisco Valdecanas, pamangkin ni dating Justice Secretary Agnes Devanadera, ng NCR at Maika De Oro ng Western Vi­sayas sa secondary boys’ pole vault (4.05m) at sa secondary girls’ discuss throw (36.00m), ayon sa pag­kakasunod, habang pinantayan ni Daniel Noval ng Cen­tral Visayas ang 1998 marka ni Ronald Caluanan sa elementary boys’ 200m run (22.19).

Dalawang ginto naman ang inangkin ni Vanessa Del Valle ng CALABARZON sa secondary girls’ 3,000m run (10:45.13) at 1,500m run (4:58.78).

Samantala, magbibigay si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Harry Angping ng cash incentive na P5,000 sa mga record breakers.

Labing isang meet records ang nasira sa track and field na kinabibilangan ng tatlo ni Unso at dalawa ni Alys­sa Mae Andrade ng Western Visayas, habang anim naman sa swimming kung saan ang dalawa rito ay kay Bondad. Sa secondary boys’ boxing, sumuntok ang SOCSARGEN, NCR at Western Visayas ng tig-dalawang ginto.

BIG CITY

DANIEL NOVAL

FRANCISCO VALDECANAS

HARRY ANGPING

JUSTICE SECRETARY AGNES DEVANADERA

MAE ANDRADE

MAIKA DE ORO

NATIONAL CAPITAL REGION

PALARONG PAMBANSA

WESTERN VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with