^

PSN Palaro

Coke napigil ng ROS

-

MANILA, Philippines - Naglabas ang Rain or Shine ng balanseng offensive game at nagawa nilang mapagwagian ang defensive matchups laban sa Coca-Cola makaraang patiklupin ng Elasto Painters ang Tigers, 91-80 sa PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum ka­gabi.

Sa kabila ng pama­maga ng kanyang mukha, sinikap pa rin mi import James Penny na lumaro pa­ra sa Tigers, ngunit hin­di nito nagawang pigilan ang pagbangon ng Elasto Painters mula sa nalasap na huling kabiguan sa mga kamay ng Barangay Ginebra nitong nakaraang Sabado.

Inilatag agad ng Elasto Painters ang 17-puntos na halftime lead at kanila itong hinawakan hanggang sa matapos ang laro para ilista ang kanilang ikat­long panalo matapos ang limang pakikipaglaban.

Ang kabiguang ito ng Tigers ang pumigil sa kanila na mahawakan ang solong liderato kung saan bumagsak sila sa ikatlong posisyon taglay ang 4-2 kar­tada.

Samantala, maghaha­rap ang Philippine Cup finalist B-Meg Derby Ace at Alaska Milk sa Cagayan de Oro sa kanilang tangkang pagbangon mula sa pagkatalo sa huling laro.

Nakatakda ang upakan ng Llamados at Aces sa alas-5:30 ng hapon sa Xavier University Gym.

Rain or Shine 91 - Lewis 19, Mercado 17, Reyes 14, Norwood 13, Arana 8, Chan 6, Laure 6, Ibanes 5, Hrabak 3, Tang 0, Salangsang 0.

Coca-Cola 80 - Penny 34, Espino 11, David 10, Cruz 7, Lanete 6, Rodriguez 4, Taulava 4, Bono 2, Macapagal 2, Allera 0, Ross 0, Ri­zada 0, Gonzales 0.

Quarterscores: 19-19, 47-30, 65-59, 91-80

ALASKA MILK

ARANETA COLISEUM

B-MEG DERBY ACE

BARANGAY GINEBRA

COCA-COLA

ELASTO PAINTERS

FIESTA CONFERENCE

JAMES PENNY

PHILIPPINE CUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with