^

PSN Palaro

Home-court advantage nakuha ng Suns

-

PHOENIX--Nakuha ng dehadong Phoenix Suns ang ho­me-court advantage sa first round ng NBA Playoffs.

Ito ay matapos talunin ng Suns, sa likod nina Amare Stou­demire at Steve Nash, ang Denver Nuggets,123-101, upang angkinin ang No. 4 seed at maaari pang maging No. 3 sa Western Conference kung ma­nanaig sa Utah.

“It’s a reward for the collective energy we’ve put into it this season,” wika ni Nash. “We en­joy this and we want to keep getting better and see how good we can be.”

Umiskor si Stoudemire ng 26 puntos, habang may 18 naman si Nash bukod pa ang kanyang 10 assists bago ipahinga sa fourth quarter patungo sa pang 11th sunod na panalo ng Suns sa Nuggets sa kanilang tahanan sa Phoenix.

Maaari pang masikwat ng Nuggets ang No. 4 spot at ang first-round homecourt edge sa­kaling manalo ang Phoenix sa Utah.

Tumipa ang Suns ng 14-of-24 sa 3-point range at 11-of-17 sa unang tatlong yugto ng laro kontra Nuggets.

Sa Los Angeles, naglista si Pau Gasol ng 28 puntos at walong rebounds, nagdagdag si Shannon Brown ng 24 puntos at ipinahinga si Kobe Bryant, tinapos ng Lakers ang kanilang regular-season home schedule sa bisa ng 106-100 panalo laban sa Sacramento Kings.

Sa Chicago, tumipa si Derrick Rose ng career-high 39 pun­tos at nagdagdag si Kirk Hinrich ng season-high 30 puntos at tinulungan ang Bulls na palakasin ang kanilang tsansa sa playoff sa bisa ng 101-93 pa­nanaig sa Boston Celtics.

AMARE STOU

BOSTON CELTICS

DENVER NUGGETS

DERRICK ROSE

KIRK HINRICH

KOBE BRYANT

PAU GASOL

PHOENIX SUNS

SA CHICAGO

SA LOS ANGELES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with