Foscon, MLQU namayani

MANILA, Philippines - Humugot ng kapwa kapana-panabik na panalo ang Foscon Ship Management at Manuel Luis Quezon University sa ka­ni-kanilang mga katunggali sa pag­papatuloy ng 2010 MBL Open basketball championship sa Lyceum gym sa Intramuros, Manila.

Pinabagsak ng Foscon ang last year’s runner-up University of Santo Tomas, 83-80, samantalang ginupo ng MLQU ang PJS Law Firm, 66-59, upang makasama ng opening-day win­ner Forward Taguig sa maagang liderato sa eight-team tournament na itinataguyod ng Smart Communications, Dickies Underwear at PRC Couriers.

Si Erwin Sta. Maria, Luis Pa­laganas at Eric Suguitan ang namuno sa panalo ng Foscon nina coach Ricky Alcantara, ow­ner Chong Pal Kim at manager Shierly Padilla.

Si Palaganas ay nag-ambag ng 15 puntos.

Sa UST, gumawa naman si Jeric Teng ng 18 puntos.

Sumandal naman ang ML­QU sa tikas ng dating CUSA MVPs Jopher Cu­stodio at Alvin Vitug upang bi­guin ang tangkang rally ng PJS.

Show comments