Foscon, MLQU namayani
MANILA, Philippines - Humugot ng kapwa kapana-panabik na panalo ang Foscon Ship Management at Manuel Luis Quezon University sa kani-kanilang mga katunggali sa pagpapatuloy ng 2010 MBL Open basketball championship sa Lyceum gym sa Intramuros, Manila.
Pinabagsak ng Foscon ang last year’s runner-up University of Santo Tomas, 83-80, samantalang ginupo ng MLQU ang PJS Law Firm, 66-59, upang makasama ng opening-day winner Forward Taguig sa maagang liderato sa eight-team tournament na itinataguyod ng Smart Communications, Dickies Underwear at PRC Couriers.
Si Erwin Sta. Maria, Luis Palaganas at Eric Suguitan ang namuno sa panalo ng Foscon nina coach Ricky Alcantara, owner Chong Pal Kim at manager Shierly Padilla.
Si Palaganas ay nag-ambag ng 15 puntos.
Sa UST, gumawa naman si Jeric Teng ng 18 puntos.
Sumandal naman ang MLQU sa tikas ng dating CUSA MVPs Jopher Custodio at Alvin Vitug upang biguin ang tangkang rally ng PJS.
- Latest
- Trending