^

PSN Palaro

5 teams mag-uunahan sa panalo

-

MANILA, Philippines - Limang koponan ang mag­ha­hangad na makapasok sa win column sa pagbabalik aksyon ng Shakey’s V-League Season 7 ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang University of St. La Salle Bacolod nga ay magbubukas ng kanilang kampanya sa ligang inor­ganisa ng Sports Vision at inihandog ng PLDT MyDSL at suportado ng Shakey’s Pizza.

Kalaban ng Lady Archers ang FEU sa pangalawa sa tat­l­ong laro na katatampukan din ng pagtatangka ng UST na maipagpatuloy ang paghawak sa solo liderato sa torneong nila­hukan ng 10 koponan at binigyan din ng ayuda ng Mikasa, Accel at Mighty Bond.

Ang Lady Tigresses na ha­nap ang ikatlong sunod na ti­tulo ay mapapalaban sa South Wes­tern University sa huling laro dakong alas-6 ng gabi.

Unang tagisan ay sa pagitan ng Adamson at St. Benilde ganap na alas-2 ng hapon at ang dalawang magtutuos ay asam na makabangon matapos mabigo sa unang asig­natura.

Mahalaga ang bawat laro da­hil single round robin lamang ang magaganap sa eliminasyon at ang mangungulelat na kopo­nan sa magkabilang dibisyon ay tuluyang mamamaalam sa torneo.

Ang La Salle-Bacolod ay ma­­papalaban nang husto dahil ang Lady Tamaraws ay dinurog naman ng UST sa straight sets, 25-9, 25-13, 25-13, sa unang laro.

Ang magandang panimula ngang ito ng tropa ni coach Shaq de los Santos ang naglalagay sa koponan na patok kontra sa La­dy Cobras na kahit kumuha ng Thai import ay nadapa pa rin sa kamay ng NCAA champion San Sebastian College, 17-25, 16-25, 17-25.

Hindi pa naman kontento si De los Santos sa ipinakita ng kanyang bataan at naniniwala itong may ilalabas pa. 

ANG LA SALLE-BACOLOD

ANG LADY TIGRESSES

ANG UNIVERSITY OF ST. LA SALLE BACOLOD

LADY ARCHERS

LADY TAMARAWS

MIGHTY BOND

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN COLLEGE

SHAKEY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with