Galaw ni Pacman, tutularan ni Nuñez para talunin si Francisco
MANILA, Philippines - Kung may isang bagay na nais na mangyari para kay Panamian boxer Ricardo Nuñez, ito’y ang makita at makasalamuha ng personal ang kasalukuyang world pound for pound champion at seven division champion Manny Pacquiao.
Sa pulong pambalitaan kahapon para sa pakikipagtuos ni Nuñez kay Drian Francisco ng Pilipinas sa Sabado sa WBA super flyweight title eliminator, inamin nitong tagahanga siya ni Pacquiao at nirerespeto ang kanyang husay at tinutularan nito ang mga galaw sa hangaring maabot din ang naabot ng Pambansang kamao.
“I’m a great fan of Manny Pacquiao I really hope I can meet Manny personally in my short stay here,” wika ni Nuñez sa pamamagitan ng interpreter at suporter ng Panamian boxers na si Carlos Costa.
Ang paghanga kay Pacquiao ay hindi naman nangangahulugan na ganito rin ang kanyang tingin sa makakalaban na si Francisco dahil tiniyak nito ang kahandaan na paluhain ang mga Pilipino na susuporta rito sa labang gagawin sa Ynares Sports Center sa Pasig City.
“If I can knock him our early, I will try to do it. But I’m prepared for 12 hard rounds and I know I will win this fight,” wika pa ng dayuhan na mayroong 17 panalo at 1 talo sa 18 laban.
Sinegundahan pa nga ni Costa ang paniniwalang ito ni Nunez nang ikasa nito ang $1000 pusta laban sa manager ni Francisco na si Ed Anuran na promoter din ng laban gamit ang kanyang Save by the Bell Promotions.
“I don’t usually bet on fights and when I do, I don’t be a lot, not unless I am one hundred percent sure that the fighter I bet on will win. I’m sure Ricardo Nunez will win and I will bet $1000 on him,” paliwanag pa ni Costa.
Hindi naman natitinag si Francisco sa pananalitang ito ng kampo ng kalaban at matibay din ang naihayag na paniniwalang mananalo sa laban at makukuha ang mandatory challenger para sa lehitimong WBA title.
- Latest
- Trending