^

PSN Palaro

Nuñez 6th round lang tatagal-Francisco

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Anim na rounds lamang ang itatagal ni Ricardo Nunez sa kamay ni Drian “Gin­tong Kamao” Francisco.

Ito ang kumpiyansang pahayag ng 27 anyos na si Francisco sa pakikipagbasagan niya ng mukha kay Panamian boxer na si Nunez sa Sabado sa Ynares Sports Center sa Pasig City.

“Mahusay siya at pareho kaming knock­out artist. Pero naniniwala akong mananalo ako sa kanya at sisikapin kon­g tapusin ang laban sa loob ng anim na rounds. Handa rin akong umabot ang laban sa 12 rounds at ako ang mananalo,” wika ni Francisco nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s UN Avenue kahapon kasama ang manager at Save By The Bell promoter na si Ed Anuran.

Ang laban ay isang WBA super fly-weight title eliminator at mangangahulugan ito na ang magwawagi sa pagitan ni­na Nunez at Francisco ay magiging man­datory challenger sa kampeon ng di­bisyon.

Kasalukuyang hawak ni Nobuo Na­shira ng Japan ang titulo pero isusugal ni­ya ito laban kay Hugo Cazares sa Mayo 8 sa Osaka, Japan.

Umabot na sa 200 rounds ang sparring ni Francisco at tiwala siyang sapat ang kanyang bilis at lakas para hiyain ang bisitang katunggali.

Si Nunez na may isang talo lamang sa 18 laban ay dumating na rin ng bansa noong Biyernes upang mapaghandaan pa ang nasabing sagupaan.

Si Francisco ay mayroong 18 panalo at isang tabla at papasok sa laban galing sa kahanga-hangang 10th round TKO ta­gumpay kontra kay Roberto Vasquez ng Mexico noong nakaraang Oktubre.

vuukle comment

ED ANURAN

HUGO CAZARES

NOBUO NA

NUNEZ

PASIG CITY

RICARDO NUNEZ

ROBERTO VASQUEZ

SAVE BY THE BELL

SHY

SI FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with