Thai import nagpasikat sa Lyceum

MANILA, Philippines - Sinandalan ng Lyceum ang husay ng Thai import na si Porntrip Santrong pa­ra makuha ng koponan ang 19-25, 25-21, 25-17, 25-21, panalo laban sa Adamson sa pangalawang araw ng Shakey’s V-League kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ipinamalas ni San­trong na dating kasapi ng natio­nal team ng Thailand ang kanyang husay sa net ga­me nang makapagtala ng 24 sa kabuuang 26 puntos sa kills para makuha ng Lady Pirates ang kanilang unang panalo sa ligang inor­ganisa ng Sports Vision, iprinisinta ng PLDT My­Dsl at suportado ng Sha­key’s Pizza.

Ang init ng paglalaro ng 23-anyos na Thai im­port ay nakahawa sa ibang kakampi nang sina Dahlia Cruz, Joy Cases at Nica Guliman ay nag-am­bag ng 14, 10 at 9 na puntos upang ang Lady Pi­rates ay makabangon sa first set na kabiguan at makuha ang tagumpay sa labanang tumagal ng isang oras at 41 minuto.

Suportado rin ng Accel, Mikasa at Mighty Bond, si­nikap din ng Lady Falcons na makapagbigay ng magandang laban at tila makakahabol nga sila sa fourth set nang bumangon buhat sa 23-16 pagkakalu­bog tungo sa 23-21, nang maghatag ng limang puntos ang koponan mula sa pagbibida ni dating MVP Nene Bautista.

Ngunit hindi napigil ng de­pensa ng Adamson ang atake ni Cruz habang isang service error naman ang ginawa ni Syvie Ar­ta­tes para maipagkaloob sa Lyceum ang tagumpay.

Diniskaril naman ng na San Sebastian College ang magandang debut ng Southwestern University matapos na iposte ang 25-17,25-16, 25-17 panalo sa ikalawang sagupaan.

Show comments