Deadline sa veterans itinakda ng PBL
MANILA, Philippines - May hanggang bukas na lamang ang mga veteran players para isumite ang kanilang aplikasyon ukol sa season-ending tournament ng Philippine Basketball League (PBL).
Bahagyang binabaan ng PBL ang age requirements para sa second conference at ang hakbang na ito ang magbibigay daan sa bawat koponan na magpadala ng maximum na tatlong manlalaro sa pagitan ng mga edad na 26-hanggang 28.
Ang nasabing mga manlalaro, ayon kay Executive Director Butch Maniego, ay maaaring ex-pros mula sa PBA at ABL o mga beterano ng PBL, La Liga o iba pang local leagues.
Kailangan lamang nilang isumite ang kanilang pangalan para sa drafting bago sumapit ang Abril 14 o kaya ay i-fax ang sulat sa PBL office sa tel.no. 533-3556 o mag-email ng applications sa [email protected].
Hinihikayat rin ang pro league practice players na pinayagan ng kani-kanilang mga PBA teams na sumali sa PBL ngayong conference.
At sa layuning makahikayat pa ng mas maraming manlalaro mula sa south upang subukan ang kani-kanilang kinabukasan sa big city hoops, pinayagan rin ang PBL teams na direktang kumuha ng limang cagers mula sa Visayas at Mindanao na hindi pa nakakalaro kahit sa alin mang torneo sa Metro Manila-based college league at hindi bababa sa 26-taong gulang.
At kung sakaling sila ay lampas sa age limit, kailangan nilang dumaan sa reinstatement draft.
- Latest
- Trending