Cardona naka-2 dikit na PBA Player of the Week

MANILA, Philippines - Maliban sa paggiya sa Talk ‘N Text sa korona ng PBA Fiesta Conference, hangad rin ni Mac Mac Cardona na burahin ang kamalasan sa isang manlalarong kinikilalang Accel-PBA Press Corps Player of the Week.

“Kailangan mas lalo pang galingan at huwag isiping jinx nga,” wika ni Cardona.

Muling nakuha ni Cardona ang naturang rekognis­yon para sa linggo ng Abril 5 hanggang 11 matapos tu­lungan ang Tropang Texters sa dalawang sunod na ratsada.

Nagposte si Cardona ng mga averages na 21.5 points, 3.5 rebounds, 5.0 assists at 2.5 steals sa 100-92 at 102-89 tagumpay ng Talk ‘N Text sa Alaska at Sta. Lucia Realty, ayon sa pagkakasunod.

Tinalo ni Cardona para sa naturang weekly citation ang kakamping si Ranidel de Ocampo, si Nino Canaleta ng Derby Ace at si Alex Cabagnot ng San Miguel.

Nagposte si Cardona ng avergae na 17 puntos para sa overall scoring sa ilalim nina Gary David ng Coca-Cola (20.5) at De Ocampo (19.8).  

Show comments