^

PSN Palaro

Pacquiao-Mayweather Jr. malabong mag-krus ang landas

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Malabong magkrus ang landas nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa taong ito.

Ito’y kung pangangata­wanan ni Mayweather ang ipinahayag na mas gusto niyang bigyan ng rematch si Mosley kung talunin niya ito sa sagupaang ma­ga­ga­nap sa May 1.

“If Shane Mosley wants a rematch, I’ll give him a rematch. After this, if Pacquiao want it, he can get it too,” wika ni Maywea­ther nang isagawa ang press conference sa kanilang laban sa MGM Grand Arena.

Nakasaad sa kontrata ng nasabing laban ang pag­kakaroon ng rematch clause at hindi aatras sa usapan si Mayweather na magreresulta upang hin­di pa rin matuloy ang ki­nasasabikang sagupaan nila ni Pacquiao.

Pero hindi mawawalan ng matinding kalaban ang Pambansang kamao kung gugustuhin nito dahil ang ka­salukuyang WBC welterweight champion na si Andre Berto ay nagpa­hayag ng hanga­ring masukat ang husay ng kasalukuyang WBO champion at pound for pound king.

Ang manager ni Berto na si Lou DiBella ang nag­sabing handa nilang labanan si Pacquiao kung nanaisin nito matapos ma­kita ang alaga na humirit ng eight round TKO panalo laban kay Carlos Quintana nitong April 10 sa Florida, USA.

“Now we want Manny Pacquiao. Whenever Man­ny wants to fight us, we are ready,” tila paghahamon ni DiBella.

Si Berto na hindi pa natatalo sa 26 laban sa 147-pound division kasama ang 20 KO ay sabik ding ma­kasukatan si Pacquiao na sa ngayon ay abala sa pangangampanya sa Sarangani para maging kanilang kinatawan kung lulusot sa pambansang halalan sa Mayo 10.

“It would be a great showdown because Pacquiao has never had to deal with my type of speed and power combined,” banggit ni Berto na hari ng WBC mula pa noong Hunyo, 2008.

Kumpara sa ibang nakaharap na ni Pacquiao, ipinagmalaki ni Berto na iba ang kombinasyong kan­yang maipamamalas kapag nagkrus ang kani­lang landas sa posibleng unification fight sa WBC at WBO.

Wala naman sa lista­han ng posibleng kalaban ni Manny si Berto dahil inililinya ni Bob Arum ng Top Rank sina Mayweather, Antonio Margarito at Juan Manuel Marquez bilang posibleng katunggali.

Pero kung hindi matuloy ang mega fight ni Mayweather, habang si Margarito ay hindi pa nabibigyan ng lubusang lisensya na lumaban at si Marquez ay maaaring hindi kagatin ng manonood matapos ilampaso siya ni Maywea­ther, ang laban kontra kay Berto ay maaaring matuloy lalo nga’t ito ang posib­leng magbigay ng mas m­a­gandang kita kung sa venue at Pay Per View ang pag-uusapan.

ANDRE BERTO

ANTONIO MARGARITO

BERTO

BOB ARUM

CARLOS QUINTANA

FLOYD MAYWEATHER JR.

MAYWEATHER

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with