^

PSN Palaro

Gonzales dinurog ni Melligen

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Ipinakita ni Mark Jason Melligen na hinog na siya para sa malalaking laban nang humirit ito ng one-sided na panalo laban kay Norberto Gonzales ng Mexico kahapon na ginanap sa Hard Rock Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.

Hindi nakahanap ng solusyon si Gonzales sa ka­li­we­teng Filipino boxer sa kabuuan ng laban para la­sapin ang 100-90 panalo sa tatlong huradong umiskor ng laban.

Walang round na nakuha si Gonzales na ilang ulit na tinamaan ng malalakas na suntok ni Melligen.

Sa eight round nga ay naputukan si Gonzales sa isang malakas na suntok upang katampukan ang domi­nas­yon sa Mexicano.

Ang tagumpay na ito ay ika-18 sa 20 laban ni Melligen bukod pa sa 13 KO at napatunayan ng tubong Ba­colod ang naunang sinabing kaya niyang manalo kay Gonzales na nalaglag sa ikalawang kabiguan sa 20 laban.

Ito ang unang pagkakataon na nalagay sa main event si Melligen at naipakita ng welterweight campaig­ner na nakabangon na ito buhat sa tinamong split de­ci­sion na kabiguan kay Michael Rosales noong Nob­yembre 13.

Ang tagumpay ay posibleng magbukas ng pintuan kay Melligen sa hangarin nitong mapalaban si Alfonzo Gomez na isa ring Mexicano at kasalukuyang hari ng 147-pound WBC Continental Americas.

ALFONZO GOMEZ

CONTINENTAL AMERICAS

GONZALES

HARD ROCK HOTEL AND CASINO

LAS VEGAS

MARK JASON MELLIGEN

MELLIGEN

MEXICANO

MICHAEL ROSALES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with