^

PSN Palaro

RP pugs bronze lang ang nakayanan sa China Open

-

MANILA, Philippines - Nakuntento lamang ang PLDT-RP boxing team sa tatlong bronze medals sa pagta­tapos ng kanilang kampanya sa mahigpit na China Open sa Guiyang, China.

Abot kamay na sana nina light­flyweight Gerson Nietes, bantamweight Francis Aston Palicte at welterweight Wilfredo Lopez ang panalo patungo sa finals hanggang sa yumuko sila sa kani-kanilang mga kalaban sa semifinals nitong Biyernes.

Lumasap si Nietes ng 6-1 ka-biguan sa mga kamay ni Id­yaz Sulay-Minov ng Kazakhstan, na­yanig si Palicte sa isa pang Ka­zakhs si Mirzhan Rakhimzha­nov sa iskor na 14-2 at sumuko si Lopez sa tikas ni Arisnoidy’s Despaigne ng Cuba, 9-1.

Pitong boxers ang ipinadala ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP), go­verning body ng bansa sa amateur boxing sa nasabing AIBA-ranking event.

 “I feel we could have done better but we’re in the initial stage of our 2010 program and its good that we saw what adjustments need to be done this early. Three bronzes in this tournament level is nothing to sneeze at,” wika ni ABAP Executive Director Ed Picson.

Si Picson rin ang siyang mangangasiwa sa mga miyembro ng national training pool sa lalaki at babae gayundin sa coaching staff na sasailalim sa malalim na training sa susunod na linggo sa Beijing, China.

ABOT

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ARISNOIDY

CHINA OPEN

EXECUTIVE DIRECTOR ED PICSON

FRANCIS ASTON PALICTE

GERSON NIETES

MIRZHAN RAKHIMZHA

SHY

SI PICSON

WILFREDO LOPEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with