^

PSN Palaro

Mavs winalis ang Southwest Division

-

PORTLAND, Oregon--Nakopo ng Dallas Mavericks ang Southwest Division matapos na pataubin ang Portland TrailBlazers, 83-77 sa NBA nitong Biyernes.

Tumapos si Dirk Nowitzki ng 40 puntos, nagsalpak ng krusyal na 3-pointer sa huling tatlong minuto ng sagupaan ang siyang nagdala sa Mavs sa panalo.

Kumana rin si Nowitzki ng 10 rebounds at nagposte ng perpektong 17-of-17 mula sa freethrow line para sa Mavericks.

Naglista si LaMarcus Aldridge ng 27 puntos para sa Blazers, na hindi pa na­nanalo sa kanilang tatlong beses na pag­ha­harap ng Mavs ngayong season.

Sa Cleveland, nagposte si Danny Gran­ger ng 36 puntos, kabilang ang siyam na final na basket ng Indiana at tinalo ng Pacers ang Cavaliers backups, 116-113.

Bunga ng pagkakataglay nila ng ho­me-court advantage sa buong NBA finals, gagamitin ni Cavs coach Mike Brown ang linggong ito upang ipahinga ang kanyang regular players. Lumaro ang Cleveland na wala ang kanilang starters na sina LeBron James, Antawn Jamison, Mo Williams at Shaquille O’Neal at reserve na si Daniel Gibson.

Sa Oklahoma City, umiskor si Kevin Durant ng 35 puntos at kumana naman ang rookie reserve na Serge Ibaka ng krusyal na basket sa final na minuto at na­pigilan ng Thunder ang huling pagba­ngon ng Phoenix Suns tungo sa 96-91 pa­nanaig.

Sa iba pang laro, pinataob ng Atlanta Hawks ang Toronto Raptors, 107-101; hi­niya ng Memphis Grizzlies ang San An­tonio Spurs, 107-99; dinaig ng Utah Jazz ang New Orleans Hornets, 114-103 at pinisak ng Orlando Magic ang New York Knicks, 118-103.

ANTAWN JAMISON

ATLANTA HAWKS

DALLAS MAVERICKS

DANIEL GIBSON

DANNY GRAN

DIRK NOWITZKI

KEVIN DURANT

MAVS

MEMPHIS GRIZZLIES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with