Supalpal ni Anthony kay Fisher, gumiba sa Lakers
DENVER-- Imbes na isang game-winning shot, isang krusyal na supalpal ang ginawa ni Carmelo Anthony sa pagtunog ng final buzzer.
Blinangka ni Anthony ang tira ni Derek Fisher upang ipreserba ang 98-96 panalo ng Denver Nuggets sa nagdedepensang Los Angeles Lakers na naglaro na wala si Kobe Bryant.
“Feels good to do something else, though, other than hitting a game-winner,” wika ni Anthony, umiskor ng 31 puntos para pangunahan ang Nuggets. “That felt just as good as hitting the game-winner. It was a game-winner.”
Ang panalo ang nag-angat sa Denver sa Utah para sa liderato ng Northwest Division at nasa kontensyon pa para sa second seed sa Western Conference laban sa Phoenix, Dallas at Jazz.
“For us, our playoffs started a week ago,” ani Chauncey Billups. “We’ve got to play ugly, we’ve got to fight, scratch and claw to try to get out (of the regular season) the best way we can. That’s absolutely what we did.”
Ipinahinga ng Lakers si Bryant na may namamagang kanang tuhod at sumasakit na daliri.
Sa kabila ng kabiguan sa apat sa kanilang huling limang laro, hawak pa rin ng Lakers ang No 1 spot sa Western Division at kailangan na lamang na manalo sa isa sa kanilang huling apat na laban para ganap itong makuha.
Kinuha ng Nuggets ang isang 15-point lead sa third quarter bago nakadikit ang Lakers sa 96-97 agwat.
Sa huling 18 segundo, binutata ni Shannon Brown ng Lakers ang tira ni J.R. Smith ng Denver kasunod ang kanyang defensive rebound at outlet pass kay Fisher na ginulat ni Billups para sa isang turnover.
Isinalpak ni Smith ang isang freethrow para sa 98-96 lamang ng Nuggets bago ang supalpal ni Anthony kay Fisher sa pagtunog ng final buzzer.
- Latest
- Trending