^

PSN Palaro

Balikan ang nakaraan

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña -

Humingi na umano ng paumanhin si Adam Ca­rolla, ang American comedian na nagbitaw ng maaanghang na salita laban sa mga Pilipino at kay pound for pound king Manny Pacquiao.

Sabi ni Carolla sa kanyang twitter account, “Read your comments. Sorry if I offended many of u. I don’t preplan my commentary. I try to be provocative, funny but I crossed the line & im sorry,”.

Noong nakaraang linggo ay binatikos ni Carolla si Pacquiao at ang mga Pilipino. Sabi niya si Pacquiao ay illiterate at ang Pilipinas ay bansa ng mga prostitutes.

“Really, you want some guy with brain da­mage running your country? Why don’t you get your sh*t together? They got this and sex tours, that’s all they have over there. Get your sh*t together Philippines,” sinabi pa ni Carrola.

Hindi ito pinansin ng kampo ni Pacquiao. Sa­bi pa nga ng Malakanyang sa pamamagitan ni deputy presidential spokesman Gary Olivar, hin­di hihingi ng paumanhin ang Pilipinas mula sa koedyante na aniya ay kabilang sa “sick mi­nority” at dapat lang na hindi pinapatulan.

Bagama’t may ilang mga opisyal na pumalag sa mga pahayag ni Carolla. Ayon sa ilan na­ting nakausap nagpapansin lamang itong si Co­rolla at ito ang tunay na mangmang dahil hindi nito alam kung gaano kaganda ang Pilipinas.

Pero sa kanyang twitter kamakalawa, para itong nang-uto na nagsabi na “By the way, I think Manny is a great fighter.” Humingi siya ng paumanhin pero marami pa rin ang naniniwala na sa ilong ito galing at halata naman na hu­mihingi lamang ng atensyon itong si Carolla

Dapat pa ba tayong magpa-uto sa papan­­sin na tao na kagaya ni Corolla?

***

Isang ma­laking selebrasyon ang 35th Foun­­dation Week celebration ng Philippine Bas­ketball Assocation (PBA) sa Abril 9-18.

Ayon kay PBA Commissioner Sonny Barrios, ang “Foundation Week' celebration ay isang pagpupugay sa masaya at ma­ala­mat na nakaraan ng mga PBA greats

Noong Abril 9, 1975 sa harap ng 18,000 ma­nonood nagsimula ang PBA. Unang sumalang ang double-header ng Mariwasa Noritake na pi­nabagsak ang Concepcion Carrier, 101-98, at To­yota na nanalo sa U-Tex, 105-101. Si Joy Dio­nisio, ang umiskor ng unang basket sa PBA.

Iyon ang simula nang isang maalamat na paglalakbay ng PBA. Lumikha ang PBA ng ma­raming bituin sa basketball na nagpakulay sa larangan ng sports sa bansa

Noon ang Mariwasa ay pinamumunan ni American import Cisco Oliver (Siya ‘yung nasa Alaska Milk commercial) at Crispa Redmanizer great Adriano ‘Jun’ Papa.

Si Jimmy Noblezada, si Iron Man, habang naroon din sina Jimmy Mariano, Joy Dionisio, na kumana ng PBA’s first basket, ay tumapos ng 10 points.

At sinong makalilimot kina Robert Jaworski, Mon Fernandez at marami pang nagbigay nang ka­hulugan sa panonood natin ng basketball.

Ang mga manlalarong ito ang gumuhit ng kasaysayan sa PBA at hanggang nga­yon ay tini­tingala pa rin ng mga nakakarami.

ADAM CA

ALASKA MILK

AYON

CAROLLA

PACQUIAO

PBA

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with