^

PSN Palaro

Bualee mas mabigat na hamon ang haharapin

-

MANILA, Philippines - Hindi lamang ang mga local volleyball players ang mag-aagawan para sa karangalan ng kani-ka­nilang mga paaralan kun­di maging ang mga Thai imports.

Pangungunahan ng nag­babalik na si Jaroensri Bualee, muling kakatawan sa San Sebastian College-Recoletos, ang tatlo pang Thai reinforcements para sa darating na Shakey’s V-League.

“This is another op­­po­r­­tunity for me to help my team and showcase my ta­lent,” ani Bualee sa pa­mamagitan ni Charo Soriano ng Ateneo De Manila University na nagsilbing in­terpreter sa lingguhang PSA sports forum sa Sha­key’s sa U.N. Avenue, Ma­nila.

Nakatakdang huma­taw ang torneo sa Abril 11 sa The Arena.

Maliban kay Bualee, ang iba pang Thai imports ay sina Piyatada Lasung­nern, Sontaya Keawbundit at Porntip Santrong.

Nakasama ng mga Thai players sa naturang prog­rama na itinataguyod ng Outlast Battery, Pagcor, Shakey’s at Accel sina Mo­ying Martelino, chairman ng nag-oorganisang Sports Vision, operations director Ricky Palou, commissioner Tony Liao, Metrosports president Freddie Infante at marketing mana­ger Barbie Ocampo.

Ang iba pang koponan ay ang Adamson, St. Benilde, FEU, UST, Lyceum at mga Visayan teams na University of St. La Salle, SWU at University of San Jose-Recoletos. (RC)

vuukle comment

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BARBIE OCAMPO

BUALEE

CHARO SORIANO

FREDDIE INFANTE

JAROENSRI BUALEE

OUTLAST BATTERY

PIYATADA LASUNG

PORNTIP SANTRONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with