Norwood napiling PBA Player of the Week

MANILA, Philippines – Kung mapapaganda pa niya ang kanyang laro ka­sabay ng mga Elasto Painters ay magiging doble ang kasiyahan ni Gabe Nor­wood.

Sa dalawang sunod na panalo ng Rain or Shine sa kasalukuyang elimination round ng PBA Fiesta Conference, si Norwood ang isa sa mga naging san­digan ni head coach Ca­loy Garcia.

“Gabe has been doing a great job defensively, which is translating into good offense for him,” wika ni Garcia sa Fil-Am forward. “He is truly stepping up at both ends of the floor.”

Sa nakaraang tatlong laro ng Elasto Painters, nag­tumpok ang 25-anyos na produkto ng George Mason University sa US NCAA Division I ng mga ave­rages na 16.6 points, 6.6 rebounds at 4.3 assists.

Dahil sa kanyang mga pigura, kinilala si Norwood bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week para sa linggo ng Marso 29 hanggang Abril 4.

“We’re just trying to get better every time,” ani Norwood, umiskor ng 15 puntos sa 90-82 panalo ng Rain or Shine sa Barako Coffee para itala ang kanilang 2-1 rekord katabla sa ikalawang puwesto ang Barangay Ginebra at nag­dedepensang San Miguel sa ilalim ng Coca-Cola (3-1).

Tumipa naman ang 20­08-09 Rookie of the Year ng 15 marka, 9 rebounds at 7 assists sa 84-77 paggiba ng Elasto Painters sa Sta. Lucia Realtors.

Sa nakaraang Fiesta Conference, nagposte ang Asian Coating franchise nina Terry Que at Raymond Yu ng all-time best na 5-1 simula, ang four-game winning streak at ang pagtatapos bilang fourth-placer.

Show comments