^

PSN Palaro

3 PASA opisyal napiling mag-officiate sa Asian Games

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines – Makakatiyak ang Pilipinas ng pantay na trato sa officiating sa swimming events sa 16th Asian Ga­mes.

Ito’y matapos mapili ang tatlong Philippine Ama­teur Swimming Association (PASA) technical officials upang mag-officiate sa nasabing kompetisyon sa Guangzhou, China sa Nobyembre.

Ang mga napili ng Asia Swimming Federation ay sina Louie Mangahis sa water polo, Marie Di­man­che sa diving at Leo Sanchez sa swimming events.

Ang tatlong ito ay nire­respeto sa komunidad ng Phi­lippine swimming at ang kanilang malawak na karanasan ay makakatulong upang matiyak na magiging maayos ang pa­mamalakad sa nasabing mga events sa Asiad.

Ibabandera ni swimmer Miguel Molina ang de­legasyon ng bansa sa kompetisyon sa hangaring makasikwat ng medalya laban sa mga bigating katunggali sa Asian region.

Tanging sa pool events lamang posibleng sumali ang Pilipinas dahil ang mga manlalaro sa diving at water polo ay nanganga­ilangan pa ng justification para mapabilang sa bu­buuing Pambansang delegasyon.

ASIA SWIMMING FEDERATION

ASIAN GA

LEO SANCHEZ

LOUIE MANGAHIS

MARIE DI

MIGUEL MOLINA

PHILIPPINE AMA

PILIPINAS

SHY

SWIMMING ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with