Jones nabugbog nang husto kay Hopkins
LAS VEGAS - Kumulapso sa kanyang mga tuhod si Bernard Hopkins sa kanyang dressing room matapos ang brutal nilang rematch ni Roy Jones Jr.
Ang nasabing mga greatest boxers ay maaaring tapusin ang kanilang mga boxing career sa isang Las Vegas hospital.
Ngunit tanging si Hopkins ang nakakuha ng karapatang lisanin ang boxing na isang panalo dito sa Mandalay Bay Events Center.
Umiskor ang 45-anyos na si Hopkins ng isang unanimous decision laban sa 41-anyos na si Jones sa kanilang rematch matapos noong 1993.
May 51-5-1 win-loss-draw ring record ngayon si Hopkins bukod pa ang 32 KOs.
“It was definitely worth it, and it was sweet revenge,” ani Hopkins bago kumulapso dahil sa kapaguran.
Tinalo ni Jones, may 54-7-0 (40 KOs) card ngayon, si Hopkins sa kanilang unang pagtatagpo noong Mayo 22, 1993.
Ayon kay Hopkins, gusto pa niyang labanan si world heavyweight champion David Haye bago siya tuluyang magretiro. Ito ang pang limang panalo ni Hopkins sa kanyang huling anim na laban sapul noong 2005.
Nalasap naman ni Jones ang kanyang pang anim na kabiguan sa nakaraan niyang 11 laban.
Nagbigay sina judges Don Trella at Glenn Trowbridge ng parehong 117-110 para kay Hopkins at 118-109 naman kay Dave Moretti.
- Latest
- Trending