^

PSN Palaro

Jones 'di na masusungkit ng Smart Gilas, pipirma na sa Suns

-

MANILA, Philippines - Kasabay ng kabiguang tinamo sa kamay ng Vrsac He­mofarm ay ang masamang balita na hindi makukuha ng Smart Gilas Pilipinas ang serbisyo ni Dwayne Jones bilang kanilang naturalized player.

Napahirapan sa angking taas ng katunggali na may ibinanderang 7’5 center bukod pa sa ilang seven-footers, tinamo ng koponang nagsasanay sa Serbia ang 67-98 kabiguan para sa ikalawang sunod at pangatlo sa tropang minamandohan ni Serbian coach Rajko To­ro­man.

Ang Vrsac ay number two team sa Serbian League ay binubuo rin ng tatlong Serbian national players, isang Slovenian national player at ilang batikang manlalaro ng bansa sa under-20 bracket.

Kawalan ng maipantatapat na malaki ang problema ng Gilas na siya ring naging problema nito nang natalo sa Mettalac Vallevo, 76-86, sa unang asignatura.

Nakabangon ang koponan sa SuperFund, 91-84, bago nabigo uli sa OOK Beograd sa 79-80 iskor.

Nadagukan pa ang hangaring makakuha ng mala­king dayuhang sentro nang ang 6’11 na si Jones ay nakatakda ng pumirma ng kontrata sa Phoenix Suns sa NBA. Ang Suns ay nasa Playoffs at si Jones na naglaro sa Austin Toro sa D-League at nagtala ng 17.6 puntos,16 rebounds at 1.8 blocks upang mapili rin sa All Star Game, ay hahalili sa puwestong iiwan ni Robin Lopez.

ALL STAR GAME

ANG SUNS

ANG VRSAC

AUSTIN TORO

DWAYNE JONES

METTALAC VALLEVO

PHOENIX SUNS

RAJKO TO

ROBIN LOPEZ

SERBIAN LEAGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with