Rain or Shine biniktima ang Barako
MANILA, Philippines - Humakot si import Jai Lewis ng double-double. Ngunit ang mga locals ang siyang sinandalan ng Rain or Shine para sa kanilang ikalawang sunod na panalo.
Nagtala ang bigating si Lewis ng 20 puntos at 13 rebounds, habang nag-ambag naman sina Gabe Norwood at Jay-R Reyes ng tig-15 marka para sa 90-82 paggupo sa minamalas na Barako Coffee Masters sa pagpapatuloy ng PBA Fiesta Conference kahapon sa Araneta Coliseum.
Nagdagdag naman sina Sol Mercado at Jeff Chan ng tig-11 produksyon kasunod ang10 ni Ryan Araña.
Halos hindi na ginamit ni coach Caloy Garcia si Lewis, sumupalpal ng tatlo, sa kabuuan ng fourth quarter.
“Gumanda ang ball movement when Jay-R (Reyes) stepped up and also the other guys that’s why there’s no point of bringing him (Lewis) back,” wika ni Garcia sa kanyang Elasto Painters.
Nilimita ni Norwood si Monroe sa 7 puntos sa first half mula sa pilit na 3-of-12 fieldgoal.
Kasabay ng paglimita sa Coffee Masters sa tatlong puntos, pinalobo naman ng Elasto Painters sa 15 puntos, 76-61, ang kanilang abante sa huling 5 minuto ng laro. (RC)
Rain or Shine 90 - Lewis 20, Norwood 15, Reyes 15, Mercado 11, Chan 11, Arana 10, Cruz 8, Tang 0, Dulay 0.
Barako Coffee 82 - Monroe 27, Duncil 13, Dimaunahan 11, Wainwright 10, Alonzo 8, Vergara 5, Aljamal 4, Najorda 4, Gaco 0, Lao 0.
Quarterscores: 13-9, 42-31, 60-56, 90-82.
- Latest
- Trending