^

PSN Palaro

Orcollo, Alcano babandera sa RP sa UAE tilt

-

MANILA, Philippines - Pitong pambatong bilyarista ng bansa ang magtatangkang bigyan ng karangalan uli ang Pi­lipinas sa Etisalat World 8-ball Pool Championships na gaga­win mula Abril 4 hanggang 10 sa Fujairah Tennis Club, Fujairah, United Arab Emirates.

Ang mga inimbitahan na maglaro ay sina Dennis Orcollo, Ronato Alcano, Efren “Bata” Re­yes, Francisco Bustamante, Alex Pagulayan, Marlon Manalo at Lee Van Corteza.

Sa mga manlalarong ito, si Alcano ang huling nanalo sa kompetisyon nang mapagha­rian ito noong 2007 laban sa ka­babayang si Orcollo.

Nabigo naman ang tubong Calamba, Laguna na maidepensa ang titulo nang matalo ito kay Ralf Souquet ng Germany sa finals noong 2008.

Hindi naman basta basta bi­bigay sina Reyes at Bustaman­te dahil kinakikitaan sila ng ma­gandang paglalaro sa mga nag­daang torneo.

Si Reyes ang may pinakamalaking kinita na sa hanay ng mga bilyarista ng bansa ma­tapos dominahin ang Derby City Classics habang si Bustamante ay sariwa sa pagka­pa­nalo sa Japan Open at tinalo nito ang kanyang kumpadre na si Reyes.

Aabot sa 64 ang manlalarong lalaro sa Group Stage at ang tatanghaling kampeon matapos ang torneo ay magbi­bitbit ng $100,000 unang gan­timpala.

Hindi biro ang mga kasali sa torneo dahil ang mga tinitingala sa sport mula sa Europe at USA ay dumadayo rin dahil sa laki ng premyong nakataya.

Si Souquet ay inaasahang sasali bukod pa kina Mika Immonen ng Finland, Darren Ap­pleton ng England, Thorsten Hohmann ng Germany, Niels Fei­jen ng Netherlands, Marcus Chamat ng Sweden at Karl Boys ng United Kingdom.

vuukle comment

ALEX PAGULAYAN

DARREN AP

DENNIS ORCOLLO

DERBY CITY CLASSICS

ETISALAT WORLD

FRANCISCO BUSTAMANTE

FUJAIRAH TENNIS CLUB

GROUP STAGE

JAPAN OPEN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with