^

PSN Palaro

Mula sa Boxing ring hanggang Sarangani

-

MANILA, Philippines - Mula sa boxing ring hanggang sa lansangan ng S­arangani.

Magpapadala ng kani-kanilang mga kinatawan sa Pilipinas ang ilang pa­ngu­nahing media outlets sa United States para tu­tukan ang ginagawang kampanya ni Manny Pacquiao.

Kabilang sa mga kokober sa pangangampanya ni “Pacman” sa Mindanao ay ang bigating 60 Minu­tes, Associated Press at Los Angeles Times.

Matapos ang mata­gum­pay na pagdedepensa sa kanyang World Bo­xing Organization (WBO) weltertweight crown laban kay Joshua Clottey ng Gha­na noong Marso 14 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas, agad na su­mabak sa kampanya si Pacquiao. Hangad ng 31-anyos na tubong General Santos City na masungkit ang isang Congressional seat sa Sarangani.

Makakasagupa ng Filipino world seven-division champion si businessman Roy Chiongbian na ang pamilya ay maituturing nang ‘dynasty’ sa Sarangani. Tatlong campaign sor­­ties ang ginawa ni Pac­quiao sa Sarangani makaraang bumaik sa bansa tatlong linggo na ang nakararaan.

Sa kanyang unang lusong sa pulitika, natalo si Pacquiao kay incumbent. Rep. Darlene Custodio-Antonino para sa first district ng South Cotabato noong 2007.

Sa kasalukuyan ay wala pa ring desisyon si Pacquiao kung paninindigan ang inihayag niyang pagreretiro o hihintayin ang kanilang megafight ni Floyd Mayweather, Jr.

Naniniwala sina trainer Freddie Roach at Rex “Wa­kee’ Salud, adviser ni Pacquiao, na hindi pa magreretiro si “Pacman” dahil sa paghahamon ni Mayweather.

Ang 33-anyos na si Mayweather ang dating kinilalang ‘best pound-for-pound boxer’ bago ito naagaw ni Pacquiao mula sa kanyang mga panalo kina Juan Manuel Marquez, Marco Antonio Barrera, Erik Morales, Oscar Dela Hoya, David Diaz, Ricky Hatton at Miguel Cotto.

ASSOCIATED PRESS

COWBOYS STADIUM

DARLENE CUSTODIO-ANTONINO

DAVID DIAZ

ERIK MORALES

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

PACQUIAO

SARANGANI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with