^

PSN Palaro

Puwesto sa Final 4 puntirya ng Ateneo

-

MANILA, Philippines - Matapos ang kani­lang seventh at fifth place finishes noong nakaraang taon, puntirya naman ng Ate­neo De Manila University na makapasok sa semifinal round ng na­­lalapit na Shakey’s V-Lea­gue.

Ngunit maaari rin si­lang makarating sa finals sa pamamagitan ng nagbabalik na si Thai reinforcement Keawbundit Sontaya.

Upang makamit ito, sinabi ni Ateneo coach Clint Malazo na kaila­ngang mag­laro nang ma­ganda ang kanyang mga Lady Eagles kagaya ng ka­nilang ginawa sa nakaraang UAAP women’s volley tournament kung saan sila tumapos bilang third-placer.

Naging runner-up ang Ateneo sa Adamson sa 2008 first conference kasunod ang kabiguang makapasok sa semis.

Magbabalik rin para sa Lady Eagles si top hitter Charo Soriano bilang guest player katuwang sina Gervacio, Cainglet, Ho at Ferrer, kinilalang best setter sa UAAP.

Nasa koponan pa rin sina Bea Pascual, Kara Acevedo, Libero Stephanie Gabriel, Misha Quimpo, Mona Bagatsing at Tash Faustino.

Nahulog sa No. 7 ang Ateneo sa nakaraang first conference ng Shakey’s V-League at natalo sa FEU Lady Tams sa playoff para sa No. 4 semis seat sa se­cond conference.

ATENEO

BEA PASCUAL

CHARO SORIANO

CLINT MALAZO

DE MANILA UNIVERSITY

KARA ACEVEDO

KEAWBUNDIT SONTAYA

LADY EAGLES

LADY TAMS

LIBERO STEPHANIE GABRIEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with