MANILA, Philippines - Hahawak ng isang mahalagang papel ang Lungsod ng Makati para sa pagpapayabong ng mga potensyal na international champions.
Sinabi ni Vice Mayor Ernesto Mercado na ang Makati ang siyang mangunguna para sa pagpapatupad ng naturang development sports program.
“Sports was overlooked for a long time in Makati. Ironically, we have so many public and private schools whose athletes have the potential to excel in so many sporting fields,” ani Mercado. “I am very confident that the next leader of the city will put premium on sports, as we plan to do in case we win our bid.”
Sinabi pa ni Mercado na ang isports sa Makati ang siyang mananalo kung sinuman ang mahalal na mga bagong opisyales ng lungsod sa eleksyon sa May.
“Sa sports, whoever wins, lahat ng tao panalo,” wika ni Mercado. “We are hoping to see an athlete from Makati to raise gold medals for the country.”
Kumpleto ang Makati sa mga sports facilities, dagdag ni Mercado.
“We have swimming pools, athletic fields, open parks. These are readily available and accessible in Makati. It’s not only the cities of Manila and Pasig, which have these. Makati is not purely a place for business. Sports heroes will soon rise from our beloved city,” ani Mercado.
Nag-iisip naman ang Philippine Amateur Track and Field Association (Patafa) na ilipat ang kanilang operasyon at pagsasanay sa Makati Sports Complex sa Guadalupe mula sa Rizal Memorial track oval sa Vito Cruz, Manila.
Balak rin ni Mercado na magpadala ng malakas na delegasyon para sa darating na Palarong Pambansa sa Tarlac.